03
Dec 2024
Pinakinabangan ng mga tauhan ng Original Palaisdaan Restaurant, ilang miyembro ng Iglesia ni Cristo, at mga residente ng Barangay Ibas ang mga libreng medical consultation, gamot, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services, dental services at offsite services ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal na kasama sa Serbisyong Reynoso Caravan.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan katuwang ang ilang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Taybaas kabilang ang City Health Office-Dental Section, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), Public Employment Services Office (PESO) at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para magsagawa ng offsite services.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay prayoridad ng administrasyon.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 18 hours ago