Ang Cooperative Trade Fair and Coconut Business Opportunity Forum for Cooperatives na dinaluhan ng mga kasapi ng labing-anim (16 ) na kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas.

Ang Cooperative Trade Fair and Coconut Business Opportunity Forum for Cooperatives na dinaluhan ng mga kasapi ng labing-anim (16 ) na kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas.
21 Nov 2024

News

Ang Cooperative Trade Fair and Coconut Business Opportunity Forum for Cooperatives na dinaluhan ng mga kasapi ng labing-anim (16 ) na kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas.

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2024, isinagawa noong Biyernes, November 15, 2024 ang Cooperative Trade Fair and Coconut Business Opportunity Forum for Cooperatives na dinaluhan ng mga kasapi ng labing-anim (16 ) na kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas.
 
Nagkaroon ng pagkakataong makapagbenta ng kani-kanilang mga sariling produkto ang mga mangangalakal na Tayabasin sa Mini Trade Fair sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Kasabay ng Trade Fair ay idinaos din ang Coconut Business Opportunity Forum para sa mga kooperatiba. Naging tagapagsalita at panauhin sina PCA Region-IV Manager Bibiano C. Concibido Jr., City Agriculturist Rommel Abuyan, Chemrez Industries Representative Roman Taniola, Agriculturist II Ronalyn F. Mendoza, CFIDP Project Coordinator Jerwin A. Samson, LBP Lucena City Account Asst. Joel Dinglasan, SBC Quezon Desk Officer Erika Lim Maroon, Konsehal Elsa Rubio at ITAC Chairperson Manolito Leyola.
 
Dumalo din sa programa si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para magbahagi ng mensahe at iparamdam ang pagsuporta sa mga programa ng Tayabas City Cooperative Development Office.
 
Pinamahalaan naman ng mga tauhan ng Tayabas City Cooperative Development Office ang Cooperative Trade Fair and Coconut Business Opportunity Forum sa pamumuno ni CDO Gener B. Abordo.
SHARE ON
Scroll to Top