03
Dec 2024
News
ANIMNARAAN LIMAMPUNG (650) MAGSASAKANG TAYABASIN NA NASALANTA ANG MGA PANANIM DULOT NG BAGYONG KRISTINE, TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
“Madami mang bagyo at pagsubok sa ating buhay tayo ay mananatiling nakatayo at positibong nakatunghay sa buhay dahil may Lokal na Pamahalaan tayong katuwang. At sa pamamagitan po ng inyong lingkod, Mayor Lovely Reynoso-Ponntioso, hayaan nyo na ang mga programang pang-agrikultura ay atin pong paiigtingin at pagagandahin para sa mga magsasaka sa Lungsod ng Tayabas”
Ito ang mga kataganng binanggit ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng pangunahan niya ang pamamahagi ng financial assistance para sa animnaraan limampung (650) magsasakang Tayabasin na nasalanta ang mga sakahan at pananim dulot ng Bagyong Kristine.
Tumanggap ng tatlunlibong pisong (P3,000) financial assistance ang bawat isa sa animnaraan dalawampu’t tatlong (623) lubhang nasalanta ang sakahan at pananim (totally-damaged), at sanlibo limandaan (P1,500) naman para sa mga hindi lubhang nasalanta ang mga sakahan at pananim (partially-damaged), ayun sa tala ng City Agriculture’s Office.
Nagmula ang pondong ipinamahagi sa DRRM Quick Response Fund ng Lungsod ng Tayabas matapos ideklara ang state of calamity.
Nakiisa din sa pamamahagi at nagpahayag ng kani-kanilang mensahe sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra at Konsehal Carmelo Cabarrubias.
Ang mga tauhan ng City Agriculture’s Office at City Treasurer’s Office ang namahala sa pamamahagi.