DALWAMPU’T DALWANG LOLO AT LOLA, TUMANGGAP NG TIG-SASAMPUNG LIBONG PISONG BENEPISYO MULA SA NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS

DALWAMPU’T DALWANG LOLO AT LOLA, TUMANGGAP NG TIG-SASAMPUNG LIBONG PISONG BENEPISYO MULA SA NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS
12 Mar 2025

News

DALWAMPU’T DALWANG LOLO AT LOLA, TUMANGGAP NG TIG-SASAMPUNG LIBONG PISONG BENEPISYO MULA SA NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS

Labing-anim (16) na octogenarian (80 and 85 years old), at anim (6) na nanogenarian (90 and 95 years old) ang tumanggap ng sampung libong piso (P10,000) bawat isa buhat sa National Commission of Senior Citizens ngayong Miyerkules, March 12, 2025.
 
Sila ay kabilang sa unang batch ng mga Tayabasing lolo at lola na kwalipikadong tumanggap ng benepisyong nakapaloob sa itinatakda ng Republic Act 11982 o Expanded Centenarian Act, kung saan may nakalaang sampung libong pisong matatanggap ang mga senior citizen na may edad 80, 85, 90 at 95 years old.5
 
Nakiisa sa pamamahagi si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at nagbigay ng mensahe sa mga mapapalad na amama at inana. Masaya din siyang nakipagdaupang-palad sa mga tatanggap ng benepisyo.
 
Pinangasiwaan ang pamamahagi nina NCSC Project Development Officer Mark Joseph P. Salvador at Shermae D. Palillo, katuwang sina CSWDO Irma C. Ilocario at OSCA Chairman Tomasa N. Llaneta.
 
Ang mga tumanggap ay yoong mga nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan nong Enero. Nakatakda namang bigyan ang iba pang kwalipikadong senior citizens ng Tayabas sa mga susunod na araw.
SHARE ON
Scroll to Top