FORUM ON REPRODUCTIVE HEALTH PARA SA MGA KABABAIHANG J.O.W.E., ISINAGAWA SA CASA COMMUNIDAD

FORUM ON REPRODUCTIVE HEALTH PARA SA MGA KABABAIHANG J.O.W.E., ISINAGAWA SA CASA COMMUNIDAD
30 May 2025

Health

News

FORUM ON REPRODUCTIVE HEALTH PARA SA MGA KABABAIHANG J.O.W.E., ISINAGAWA SA CASA COMMUNIDAD

`Tatlumpu’t walong (38) kababaihang Job Order Wage Earner (J.O.W.E.) ang lumahok sa forum na tumalakay sa sexual at reproductive health, na isinagawa ngayong Biyernes, Mayo 30, 2025, sa Casa Communidad ng Tayabas.
 
Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga kababaihang J.O.W.E. ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal at mental na kalusugan, lalo na sa aspeto ng reproductive health. Pinangasiwaan ito ng Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni Ma. Zarina A. Bagangan.
 
Binigyang-diin sa forum ang kahalagahan ng tamang impormasyon ukol sa reproductive health upang matulungan ang mga kalahok sa mas responsableng pagdedesisyon para sa kanilang sarili. Nagsilbing tagapagsalita si Dr. Che Bandelaria, ang hepe ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at kaalaman sa mga kalahok.
 
Ang ganitong mga pagsasanay ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Lungsod ng Tayabas sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng kababaihan, lalo na sa sektor ng mga job order workers.
SHARE ON
Scroll to Top