08
Jan 2025
Health
News
Isinagawa ang unang Serbisyong may Pusong Caravan sa buwan ng Enero 2025 sa compound ng Seventh-day Adventist Elementary School ng Barangay Ilayang Ilasan.
Pinamunuan ng OCM-MHMERT at ilang tanggapan ng Lokal na Pamahaalan ng Lungsod ng Tayabas upang paglingkuran at ilapit ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng naninirahan doon.
Mayroong mga libreng medical consultation, ECG, X-ray, Ultasound at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services at dental services ng City Health Office-Dental Section, gayun din nagsagawa din ng offsite services ang tanggapan ng Office of the City Library, City Veterinary Office, Public Employment Services Office (PESO), City Agriculture Office at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Sumailalim din sa libreng eye screening ang mga mag-aaral ng Seventh-day Adeventist Elementary School. Samantalang naghanda naman ng masarap at masustansyang pansit ang Kusina de Tayabas Meals on Wheels ng City Health Office-Nutrition Section.
Lubos naman ang suporta ni Acting Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinasagawang Serbisyong may Puso Caravan para ilapit ang libreng medical, laboratory, diagnostic at dental services sa mga residenteng nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.