KALUSUGAN NG MGA TAYABASING MAGKAKAMBAS, PINAGTUUNAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN.

KALUSUGAN NG MGA TAYABASING MAGKAKAMBAS, PINAGTUUNAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN.
10 Mar 2025

Health

News

Technology

KALUSUGAN NG MGA TAYABASING MAGKAKAMBAS, PINAGTUUNAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN.

Isinagawa ngayong Lunes, March 10, 2025 sa Trading Post ng Tayabas City Public Market ang Tayabas Canvassers Health Wellness Day. Isa itong araw kung saan sumailalim ang sandaan dalwampu’t tatlung (123) Kambaser sa libreng konsulta at iba’t ibang serbisyong pangkalusugan.
 
Pinangunahan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang pagsasagawa ng libreng medical consultation at pagbibigay ng kaukulang gamot; libreng laboratory and diagnostic services kagaya ng cbc, blood typing, urinalysis, ecg, chest x-ray at pagpapaschedule ng ultrasound.
 
Nagkaroon din ng On-Site Job Application ang Public Employment Service Office (PESO) sa mga nais magkaroon ng trabaho. Nag-issue rin ng Tayabazen Pink Card ang mga kawani ng OCM-ICT section.
 
Mahalagang maalagaan ang kalusugan ng mga Kambaser dahil sa bawat araw ng pagdayo sa ibang bayan para mag-kambas at kumita ng ikabubuhay ay kailangan malusog at siguradung makakauwi sa pamilya ng ligtas at buhay.
SHARE ON
Scroll to Top