LIBRENG KONSULTA, GAMOT, ECG, X-RAY, ULTRASOUND, LINIS AT BUNOT NG NGIPIN, AT IBA’T IBANG SERBISYO ANG INIHATID NG SERBIYSONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG PALALE.

LIBRENG KONSULTA, GAMOT, ECG, X-RAY, ULTRASOUND, LINIS AT BUNOT NG NGIPIN, AT IBA’T IBANG SERBISYO ANG INIHATID NG SERBIYSONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG PALALE.
18 Nov 2024

Health

News

LIBRENG KONSULTA, GAMOT, ECG, X-RAY, ULTRASOUND, LINIS AT BUNOT NG NGIPIN, AT IBA’T IBANG SERBISYO ANG INIHATID NG SERBIYSONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG PALALE.

Inilapit sa mga “ilayahin” ang libreng serbisyong handog ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, November 12, 2024, para hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa Ilayang Palale na magpakonsulta, magpa-ECG, magpa-X-ray, magpa-Ultrasound, sumailalim sa iba’t-ibang uri ng laboratory services, maging mga diagnostic services ng OCM-MHMERT, at dental services ng mga tauhan CHO-Dental Section.
 
Kasama ding umiikot sa Barangay ang ilang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Tayabas para magsagawa ng offsite services gaya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library at City Veterinary Office, City Environment and Natural Resources Office, City Agriculture Office, City Health Office-Dental Section, Public Employment Services Office (PESO) at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
 
Ang Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa pamumuno ni MHERT Team Leader/ACHO Ma. Graciela Derada-De Leon ay isang programang binuo ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para hindi na mahirapan ang mga Tayabasin dahil sila na mismo ang pumupunta sa iba’t-ibang Barangay sa Lungsod ng Tayabas para higit na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isang mamamayan sa Lungsod ng Tayabas.
 
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa isinagawang Serbisyong Reynoso Caravan ang mga BHW at Sangguniang Barangay ng Ilayang Palale sa pamumuno ni Kapitan Ronald Reyes.
SHARE ON
Scroll to Top