LIBRENG MEDICAL SERVICES NG PAMAHALAANG LOKAL INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY SAN ISIDRO ZONE 1-4.

LIBRENG MEDICAL SERVICES NG PAMAHALAANG LOKAL INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY SAN ISIDRO ZONE 1-4.
09 Jan 2025

Health

News

LIBRENG MEDICAL SERVICES NG PAMAHALAANG LOKAL INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY SAN ISIDRO ZONE 1-4.

Sa pagpapatuloy ng Libreng Mobile Health Services, maagang tinungo ng mga tauhan ng OCM-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa covered court ng San Isidro Zone-I ngayong Huwebes, January 9, 2024.
 
Nagsagawa ng libreng konsulta si Assistant City Health Officer-MHMERT Team Leader Ma. Graciela Derada-De Leon, MD, at mayroon ding iba’t-ibang uri ng laboratory tests, ultrasound, x-ray, ECG, at libreng gamot. Maging ang ICT Section ay may offsite services para mamahagi ng Tayabazen Card.
 
Naisakatuparan ang programang ito dahil sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay San Isidro.
SHARE ON
Scroll to Top