04
Dec 2024
Limampung ( 50 ) Tayabasin ang tumanggap ng bago at angkop na salamin sa mata sa pamamagitan ng Mobile Health and Medical Emergency Response Team at sa tagapagtaguyod ng programang ito.
Ipinagkaloob ito ng Serbisyong Reynoso upang lubos na matulungan ang mga Tayabasin na may sakit o problema sa mata.
Dumalo sa Distribution of Eyeglasses si Konsehal Luz Cuadra at nagpahayag ng kanyang mensahe upang makadaupang-palad ang mga tatanggap ng salamin sa Training Room ng New Tayabas City Hall, ngayong Huwebes, November 28, 2024.
Kasama sa namahagi ng mga libreng salamin sina Assistant City Health Officer Dr. Maria Graciela D. De Leon at IPAO Quezon Volunteer Optometrist, Dra. Maribel Quebrado na siyang nagsukat at nagbigay ng salamin sa mga benepisyaryo.
Lubos na nagpapasalamat ang mga benepisyaryo lalo’t higit sa ina ng Punong Lungsod na si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na siyang nanguna sa programang libreng salamin para sa mga Tayabasin.
Naisakatuparan ang matagumpay na programang ito ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 18 hours ago