
19
Mar 2025
News
Mayor Abby Binay, Bumista kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso

Courtesy Visit ni Mayor Abby Binay kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Bagong Cityhall ng LGU Tayabas!
Isang mainit na pagtanggap kay Mayor Abby Binay at pagbisita kasama ang kanyang team, Atty. Neil Patag, at ating mga butihing kaibigan Racks Oabel at Romel Barrot. Ang siyudad ng Makati ay sister city ng ating lungsod. Isa sa pinaka maunlad na lungsod sa buong bansa ay pinamumunuan ng pinuno na ito.
Sa selebrasyon ng Women’s Month, binigyang-diin ni Mayor Binay ang husay ng mga babaeng lider sa paglilingkod: “Happy Women’s Month! Iba pag babae ang namumuno dahil mabusisi at maayos sa gawa ng kanyang nasasakupan.”
Patuloy nating ipagmalaki at suportahan ang mahusay at tapat na pamamahala tungo sa mas maunlad na Tayabas!

