MOBILE HEALTH SERVICES, INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY IBAS

MOBILE HEALTH SERVICES, INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY IBAS
29 May 2025

Health

News

MOBILE HEALTH SERVICES, INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY IBAS

Inilapit sa mga residente ng Barangay Ibas ang iba’t-ibang uri ng serbisyong pangkalusugan ng mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa pamumuno ni Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon katuwang ang ibang tanggapan, Barangay Health Workers at Sangguniang Barangay. Isinagawa sa basketball court ng Barangay Ibas ang libreng health consultation, urinalysis, ECG, at pamimigay ng libreng gamot ngayong Huwebes, May 29, 2025.
 
Ang Mobile Health Services ay inilunsad para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.
SHARE ON
Scroll to Top