
04
Apr 2025

Sa Barangay Talolong basketball court isinagawa ang libreng health consultation, Urinalysis ,ECG, libreng gamot at dental services ng mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa pamumuno ni Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, katuwang ang ibang tanggapan, Barangay Health Workers at Sangguniang Barangay ngayong Biyernes, April 4, 2025.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, ang Mobile Health Services ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin.

