PABATID: Usapang Trapiko

PABATID: Usapang Trapiko
08 Aug 2023

News

PABATID: Usapang Trapiko

Pangungunahan ng Tayabas Anti Road and Sidewalk Obstruction Task Force katuwang ang mga tauhan ng Office Of The City Mayor – Traffic Operations Section ang pagpapatupad ng DILG Memorandum Circular No. 2023-017 at Presidential Decree No. 17 o Revised Philippine Highway Act.

Kaugnay nito ay mahigpit na ring ipapatupad ang mga batas trapiko lalo’t higit ang pagbabawal sa sinuman na magdulot ng sagabal sa mga daanan, kabilang na ang illegal parking.

Pinakikiusapan ang lahat na magkusa nang alisin ang mga kagamitan o pag-aaring nakahambalang o nakakabalakid sa mga daanan, bago pa man simulan ang pagsasagawa ng clearing operations sa ating lungsod.

Dagdag pa rito, simula sa ika-14 ng agosto 2023 ay magsisimula na ang pagta-tire lock ng mga gulong ng sasakyang nakahimpil sa mga “no parking zone.”

May legal na basehan ang gagawing operasyon ayun sa itinatakda ng presidential decree no. 17 o revised philippine highway act: “It is unlawful for any person to usurp any portion of a right-of-way, to convert any part of any public highway, bridge, wharf for trail to his own private use to obstruct the same in any manner…”.

Hinihingi po namin ang inyong pakikiisa at pang-unawa.

SHARE ON
Scroll to Top