05
Dec 2024
News
NAGSAGAWA NG ANNUAL CONSULTATIVE MEETING ANG TAYABAS FEDERATION OF PERSON WITH DISABILITY
Naging makabuluhan ang isinagawang Annual Consultative Meeting ng mga kasapi ng Tayabas Federation of Persons With Disability, SPED Teachers, Stakeholders at PWD Barangay Coordinators sa Silungang Bayan noong Martes, December 3, 2024.
Inilahad ni TFWD President Remando B. Abordo ang lahat ng naisagawa at natapos na activities ng kanilang samahan sa loob ng isang taon. Naging guest speaker sa okasyon si PDAO-Quezon Province Officer April Rose A. Veluz.
Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga stakeholders at PWD Barangay Coordinators dahil sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga gawain ng mga PWDs sa Lungsod ng Tayabas.
Nagpaabot naman ng mensahe si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.
Naging katuwang ng TFPWD ang mga kawani ng CSWDO sa nasabing consultative meeting.