
31
May 2025
News
PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG PLASTIC SIMULA JUNE 1, 2025

Sinamantala ng mga kawani ng Ecological Solid Waste Management Unit ang araw ng tiyangge sa Tayabas Public Market para magsagawa ng pagbabando kaugnay ng malawakang pagbabawal sa pagggamit ng plastic simula bukas, June 1, 2025, sa nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.
Kasabay ng pagpapakalat ng impormasyon sa mga mamimili ay nagsagawa ng pamimigay ng eco bags o reusable bags sa mga mamamayan upang mas paigtingin ang hindi paggamit ng plastic.
(kuha ang mga litrato sa facebook account ni Ms. Jerdylene Tabi.)

