25
Nov 2024
News
RIVER CLEAN-UP ACTIVITY SA ALITAO RIVER, BAHAGI NG SPILLWAY SAKOP NG BARANGAY IBABANG NANGKA.
Humigit-kumulang limandaang metro ng Ilog Alitao sa parte ng spillway, sakop ng Barangay Ibabang Nangka ang tulong-tulong na nilinis ng mga nakiisang kawani ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga tauhan ng BFP-Tayabas Fire Station, at Sangguniang Barangay ngayong Biyernes, November 22. 2024.
Layunin ng River Clean-Up Activity na mapanatiling malaya ang daloy ng tubig sa mga kailugan at iba pang body of waters sa Lungsod ng Tayabas.
Muling pinamunuan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office ang aktibidad.
Lubos naman ang pagsuporta at pasasalamat nina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro Dalida sa mga nakiisa sa isinagawang River Clean-Up Activity sa Spillway ng Alitao River.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 7 hours ago