
02
Apr 2025
News
SECOND BATCH NG MGA JOB ORDER WAGE EARNERS, SUMAILALIM SA ORIENTATION

Tinipon ngayong Miyerkules, April 2, 2025 sa Training Room ng New Tayabas City Hall ang dalawandaan at isang (201) Job Order Wage Earners (JOWE) ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para sumailalim sa orientation at tumanggap ng nilagdaang kontrata.
Nagbahagi ng mensahe si City Administrator Diego Narzabal sa mga Job Order Wage Earner ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Sinigurado din ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na lahat ng mga JOWE ay muling makakatanggap ng kontrata para patuloy na makapaglingkod sa taong bayan. Samantalang inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay ipapamahagi ang kontrata ng mga natitirang JOWE.

