TINGNAN || KASALUKUYANG IPINAMAMAHAGI ANG TULONG PINANSYAL SA HULING BATCH NG MGA NASALANTA ANG BAHAY NG BAGYONG AGHON.

TINGNAN || KASALUKUYANG IPINAMAMAHAGI ANG TULONG PINANSYAL SA HULING BATCH NG MGA NASALANTA ANG BAHAY NG BAGYONG AGHON.
20 Jun 2024

News

Sanlibo apatnaraan at dalwang (1,402) heads-of-the-households ang nagtipon-tipon ngayong Martes, June 18, 2024 sa New Tayabas City Hall Atrium, para sa Payout of Financial Assistance sa mga residenting nasira ang bahay dahil sa bagyong Aghon. Sila ay kabilang sa pangalawa at huling batch ng mga tatanggap ng ayuda mula sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng DRRM Quick Response Fund alinsunod sa deklarasyon ng state of calamity.
 
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng halagang tatlong libong piso (P3,000) para sa mga totally-damaged-houses, at sanlibo limandaang piso (P1,500) sa mga partially-damaged-houses ayun sa talaan ng City Social Welfare and Development Office.
 
Sinigurado ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na hindi titigil ang pamahalaang lokal sa paghanap ng paraan at paghingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno at opisyal ng pamahalaan para maalalayan ang mga nasalanta ng kalamidad.
 
Nakiisa sa payout distribution sina Konsehal Dino Romero, Konsehal Elsa Rubio at Former ABC President Rommel Barrot.
SHARE ON
Scroll to Top