10
Jan 2024
Health
News
TINGNAN || “LAB FOR ALL” PROGRAM NG UNANG GINANG LIZA ARANETA MARCOS, INILUNSAD SA LUNGSOD NG TAYABAS.
TINGNAN || “LAB FOR ALL” PROGRAM NG UNANG GINANG LIZA ARANETA MARCOS, INILUNSAD SA LUNGSOD NG TAYABAS.
Umabot sa tatlundaan limampu’t dalwang (352) mga Tayabasin ang nakinabang sa libreng medical at dental services na kinabibilangan ng laboratory testing services, check-up, family planning services, at libreng gamot sa ilalim ng programa ni First Lady Liza Araneta Marcos na “LAB FOR ALL” ngayong Martes, January 9, 2024, sa Silungang Bayan ng Tayabas.
Pinangunahan ni City Health Officer Dr. Hernando Marquez ang mga kawani ng CHO katuwang ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) at PhilHealth sa isinagawang “Lab For All” sa Lungsod ng Tayabas.
Bagama’t hindi personal na nasaksihan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang programa ay nagpahayon naman siya ng lubos na pagsuporta sa programa na tumutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mamamayang Tayabasin.