TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LUAD LOOBAN, MAPAPALAD NA NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.

TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LUAD LOOBAN, MAPAPALAD NA NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
16 Apr 2024

Health

News

TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LUAD LOOBAN, MAPAPALAD NA NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.

TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LUAD LOOBAN, MAPAPALAD NA NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
 
Muling pinatunayan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ang patunay sa pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat isang mamamayan.
 
Nagsagawa ng medical consultation, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory services, at diagnostic and dental services ang mga tauhan ng OCM-MHMERT sa Barangay Hall at Basketball Court ng Barangay Opias ngayong Martes, April 16, 2024.
 
Nagsagawa din doon ng offsite services ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Civil Registry Office (CCRO), Office of the City Library, City Veterinary Office at City Environment and Natural Resources Office para hindi na mahirapan ang mga residente ng Luad Looban, Barangay Opias.
 
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Caravan upang mailapit at hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing komunidad.
SHARE ON