
30
Apr 2025
Health
News
Umabot sa walumpung (80) binatilyong Tayabasin ang sumailalim sa medical procedure ng circumcision o pagtutuli sa isinagawang Operasyon Tuli

Umabot sa walumpung (80) binatilyong Tayabasin ang sumailalim sa medical procedure ng circumcision o pagtutuli sa isinagawang Operasyon Tuli ng OCM-MH MERT katuwang ang Unihealth Hospital ngayong Miyerkules, April 30, 2025.
Sampung (10) taong gulang ang pinakabata at labing apat (14) na taong gulang naman ang pinakamatandang sumailalim sa procedure ng mga Unihealth-Quezon Doctors at CDRRMO Nurses sa pamumuno ni Assistant City Health Officer/MH MERT Team Leader Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon.
Lubos ang suporta ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang libreng operasyon tuli para sa mga binatilyong Tayabasin.
Nakatakda namang sumailalim ang ikalawang batch ng mga binatiyo sa operation tuli sa May 27, 2025, na gagawin sa Bayanihan Isolation Facility.

