UNANG BATCH NG MGA JOWE NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG TAYABAS, LUMAGDA SA PANIBAGONG KONTRATA

UNANG BATCH NG MGA JOWE NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG TAYABAS, LUMAGDA SA PANIBAGONG KONTRATA
31 Mar 2025

News

UNANG BATCH NG MGA JOWE NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG TAYABAS, LUMAGDA SA PANIBAGONG KONTRATA

Tinipon ngayong Lunes, March 31, 2025 sa Training Room ng New Tayabas City Hall ang sandaan limampu’t pitong (157) Job Order Wage Earners (JOWE) ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
Sila ay muling sumailalim sa orientation bago lumagda at ipamahagi ang kanilang bagong kontrata na pinamunuan ng mga kawani ng HRMO.
 
Nakiisa si City Administrator Diego Narzabal sa nasabing orientation at nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Job Order Wage Earner ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Sinigurado din ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na lahat ng mga JOWE ay muling makakatanggap ng kontrata para patuloy na makapaglingkod sa taong bayan ng Lungsod ng Tayabas. Samantalang inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay ipapamahagi ang kontrata ng mga natitirang JOWE.
SHARE ON
Scroll to Top