PAGSASANAY SA VEGETABLE PRODUCTION, POSTHARVEST HANDLING TECHNOLOGIES AT MARKETING, INILUNSAD SA TAYABAS

PAGSASANAY SA VEGETABLE PRODUCTION, POSTHARVEST HANDLING TECHNOLOGIES AT MARKETING, INILUNSAD SA TAYABAS
13 Jun 2025

Agriculture

News

PAGSASANAY SA VEGETABLE PRODUCTION, POSTHARVEST HANDLING TECHNOLOGIES AT MARKETING, INILUNSAD SA TAYABAS

Inilunsad ng City Agriculture Office ang Farmer-Level Training on Vegetable Production, Postharvest Handling Technologies, and Marketing nitong Biyernes, Hunyo 13, 2025 sa Rallos Integrated Farm sa Brgy. Ilayang Nangka na layuning paigtingin ang kaalaman ng mga magsasakang Tayabasin sa modernong agrikultura.
 
Nilalayon ng naturang programa na palakasin ang produksyon ng gulay, ituro ang mga makabagong postharvest techniques at teknolohiyang pang-agrikultura, gayundin ang mabisang pagma-market ng kanilang ani.
 
Umabot sa tatlumpung (30) kalahok ang sasailalim sa labing anim (16) na linggong pagsasanay, na isasagawa tuwing Biyernes.
 
Inaasahan na sa pagtatapos ng programa ay mas magiging handa ang mga magsasaka sa paggamit ng makinarya at teknolohiya upang mapabilis at mapabuti ang kanilang produksyon.
 
Nagsilbing tagapagpadaloy ng pagsasanay si Agriculturist I Realyn C. Agudilla mula sa City Agriculture Office. Dumalo rin ang mga kinatawan ng Agricultural Training Institute (ATI) na nagpaabot ng kanilang mensahe ng suporta at pagpupugay sa adbokasiyang nagtataas ng antas ng lokal na agrikultura.
 
Itinuturing na dagdag-kaalaman ang nasabing pagsasanay, na hindi lamang kapaki-pakinabang sa mga kalahok, kundi maaari ring maibahagi sa mas marami pang magsasaka sa Lungsod ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top