LABING-APAT NA BIIK-TAGALOG, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN

LABING-APAT NA BIIK-TAGALOG, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN
13 Jun 2025

Agriculture

News

LABING-APAT NA BIIK-TAGALOG, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN

Labing apat (14) na native piglets ang ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pitong (7) Tayabasin na sumulat at humiling na mapa-iwi ng mga biik para alagaan at paramihin.
 
Isinagawa ang pamamahagi sa New Tayabas City Hall ngayong Biyernes, June 13, 2025.
 
Nananatiling priority agenda ng Administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagpapalago ng agrikultura kaya patuloy ang suporta sa mga proyekto ng Office of the City Agriculturist na aktibong tumutugon sa mga kahilingan ng mga magsasaka. Isa na rito ang pamamahagi ng mga “pa-iwing” native biik para alagaan at paramihin ng magsasaka mula sa iba’t-ibang Barangay sa Lungsod ng Tayabas.
 
Naisakatuparan ang nasabing proyekto matapos pondohan ng pamahalaang lokal ang pambili ng mga baboy ayon sa bilang ng kahilingang natanggap mula sa mga magsasakang Tayabasin.
SHARE ON
Scroll to Top