30
Apr 2024
Events
News
STABLE INTERNAL PEACE AND SECURITY (SIPS) ANNIVERSARY: “PAGTATAGUYOD NG KAPAYAPAAN PASA SA MAUNLAD NA PAMAYANAN”
STABLE INTERNAL PEACE AND SECURITY (SIPS) ANNIVERSARY: “PAGTATAGUYOD NG KAPAYAPAAN PASA SA MAUNLAD NA PAMAYANAN”
Ginunita ngayong araw ang unang taon ng paglagda ng mga namumuno sa lokal na pamahalaan, mga pinuno ng tanggapan, mga kapitan ng barangay at mga pinuno ng kapulisan, bumbero at sandatahang lakas sa Memorandum of Understanding on Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa Lungsod ng Tayabas.
Kasabay ng pagdiriwang ay ang muling paglagda sa Memorandum of Understanding bilang pagpapahayag ng Renewal of Commitment ng mga ahensyang katuwang sa pagpapalaganap ng seguridad at panloob na kapayapaan sa Lungsod ng Tayabas.
Si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang nanguna sa mga kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na nakiisa sa okasyon kasama ang mga bumubuo ng Quezon and City Task Force to the End the Local Communist Armed Conflict (CTF-ELCAC), Department of Interior and Local Government (DILG)-Quezon Provincial Office, Quezon Police Provincial Office. Police Regional Office-4, and the 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army.
Naganap ang paglagda at paggunita sa unang taon ng SIPS sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Martes, April 30, 2024, kung saan nagbahagi ng mensahe sina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, Vice Mayor Rosauro Dalida, PCOL RAYMOND A LIGUDEN, PLTCOL ERICKSON B KORANES at BGEN ERWIN A ALEA PA tungkol sa tagumpay sa pagpapanatili ng seguraidad at kapayapaan na nagresulta sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Kabilang sa mga dumalo at lumagda sina Konsehal Elsa Rubio, Dino Romero, SK Fed. Pres. Miguel Obdianela, LTC Ferdinand Bruce M Tokong (GSC) PA, Tayabas CPS OIC PLTCOL Caesar Ian C Binucal, PMAJ Rodelio M Calawit at FO3 Richard A Edra. Gayundin ang mga pinuno ng mga lokal na tanggapan kabilang sina CHO Dr. Hernando Marquez, CSWDO Irma Ilocario, CENRO Melvin Rada at CDRRMO Dr. Rosario Bandelaria.