3rd QUARTER FINANCIAL SUBSIDY NG MGA BARANGAY NUTRITION SCHOLARS, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO. MGA BNS SUMAILALIM SA INFANT AND YOUNG CHILD FEEDING AND ESTABLISHMENT OF COMMUNITY BASED SUPPORT SEMINAR.

20 Oct 2023

Events

News

3rd QUARTER FINANCIAL SUBSIDY NG MGA BARANGAY NUTRITION SCHOLARS, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO. MGA BNS SUMAILALIM SA INFANT AND YOUNG CHILD FEEDING AND ESTABLISHMENT OF COMMUNITY BASED SUPPORT SEMINAR.

TINGNAN || 3rd QUARTER FINANCIAL SUBSIDY NG MGA BARANGAY NUTRITION SCHOLARS, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO. MGA BNS SUMAILALIM SA INFANT AND YOUNG CHILD FEEDING AND ESTABLISHMENT OF COMMUNITY BASED SUPPORT SEMINAR.
 
Limamput walong (58) Barangay Nutrition Scholars ang kabilang sa 3rd batch ng participants sa seminar na inorganisa ng CHO-Nutrition Section tungkol sa Infant and Young Child Feeding and Establishment of Community Based Support na ginanap sa New Tayabas City Hall Training Room ngayong Huwebes, October 19, 2023.
 
Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kaalaman ng mga Barangay Nutrition Scholars na katuwang ng Pamahalaang Lokal ng Lunsgsod ng Tayabas sa tamang pag-aalaga ng mga sanggol, buntis at mga bata.
 
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mahusay na paglilingkod ng mga BNS sa mamamayang Tayabasin lalo na sa mga buntis at mga sanggol. Kaya naman masaya niyang ipinamahagi sa 181 Barangay Nutrition Scholars ang deserved nilang financial subsidy para sa 3rd Quarter ng 2023 na umaabot sa halagang P3,600, depende sa bilang ng taon na kanilang ipinaglilingkod.
 
Sa kabuuan ay umabot sa animnadaan dalawampu’t isang libong piso (P621,000) ang naipamahagi sa mga Barangay Nutrition Scholars ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para sa 3rd quarte ng taong ito.
 
Naging pangunahing tagapagsanay sa seminar si City Nutrition Action Officer Marinela Z. Chong katuwang sina Jenny Celemin-Nogot, Lou Renzo Sumilang, Jenalyn Tomines, Princess Megan Esmiller at Victor Manalo.
Nandoon din para suportahan ang gawain si City Health Officer Dr. Hernando Marquez, LnB President/Ex-Officio Member Rommel Barrot at SP Committee on Health Chairperson Luz Cuadra.
SHARE ON
Scroll to Top