10
Nov 2023
4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2023
Nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa isinagawang Earthquake Drill ngayong umaga ng November 9, 2023.
Kanya-kanyang “duck, cover and hold” ang mga kawani at mga kliyenteng inabutan ng pagsasagawa ng drill sa mga tanggapan.
Pinangunahan ng Tayabas City Disaster Risk Reduction Management Office ang drill.
Ayun sa obserbasyon ng mga tauhan ng CDRRMO, Tayabas-BFP at City Engineering Office ay may mga hindi nakiisa sa ginawang earthquake drill dahil napansin nilang patuloy pa rin ang mga ito sa ginagawang training. Nagbigay sila ulit ng paalala na hindi dapat balewalain ang training na ito para maging ligtas at maging handa sa oras ng peligro.
Hangad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na sa magkatuwang na pamumuno nila ni Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida ay ma-develop sa mga Tayabasin ang “culture of disaster resilience.”