PINAGDIRIWANG ANG ARAW NG MAGSASAKA : LAMBANOG AT COCO RELAY

PINAGDIRIWANG ANG ARAW NG MAGSASAKA : LAMBANOG AT COCO RELAY
10 May 2025

Events

News

Tourism

PINAGDIRIWANG ANG ARAW NG MAGSASAKA : LAMBANOG AT COCO RELAY

Nagtipon ngayong Sabado, May 10, 2025 sa Silungang Bayan ang mga miyembro ng iba’t ibang samahan ng magsasaka sa Lungsod ng Tayabas upang makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Magsasaka sa taunang Mayohan sa Tayabas Festival.
 
Ang Office of the City Agriculturist sa pamumuno ni Rommel Abuyan ang namahala sa programa.
 
Layunin ng pagtitipon na mabigyan ng pagkakataon ang mga farmers na makapag-bonding at makipagsaya sa pamamagitan ng mga palaro, libreng gupit ng buhok, manicure at pedicure, at libreng mga pananim.
 
Sa palarong Lambanog Relay ay tinanghal na panalo ang samahan ng High Value Crop (HVC) Cluster-7. Sa Coco Relay naman ay nakamit ng Barangay Anos ang kampiyonato. Samantalang nangibabaw ang galing sa pag-awit ni Tatay Primo A. Reyes kaya siya ang tinanghal na panalo sa Farmers Got Talent.
 
Lahat ng nakiisa sa mga palaro ay nag-uwi ng sertipiko ng pagkilala at cash prize. Ang mga hindi pinalad ay mayroon din namang consolation prize na naiuwi.
 
Nagbahagi naman ng mga paraffle ang iba’t-ibag naging katuwang sa programa gaya ng EPI Philippines, ICC, Vigor May, Vigor Raja, VFNR Plant Catalyst, East West Seed, BAYER Crop Science, DEKALB Philippines, GreenLife, OPA, LONGPIN, at Sunrise Dragon Jade Corp.
 
Lubos ang suporta ni Mayor Lovely Reynoso sa isinagawang Araw ng Magsasaka dahil sila ang dahilan ng pagkakaron ng masagana at magagandang ani ng mga produktong agrikultural sa Lungsod ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top