DALWAMPUNG LIBONG SEMILYA NG ULANG O GIANT FRESHWATER PRAWN, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING MAY FISH POND PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN.

DALWAMPUNG LIBONG SEMILYA NG ULANG O GIANT FRESHWATER PRAWN, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING MAY FISH POND PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN.
11 Mar 2025

Agriculture

News

DALWAMPUNG LIBONG SEMILYA NG ULANG O GIANT FRESHWATER PRAWN, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING MAY FISH POND PARA ALAGAAN AT PARAMIHIN.

Dalwampu’t dalwang (22) fish pond farmers ang naghati-hati sa dalwampung libong (20,000) semilya ng ulang o giant freshwater prawn na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist ngayong Martes, March 11, 2025.
 
Nagbahagi rin ng tips at kaalaman sa pag-aalaga, pagpapalaki at pagpapadami ng ulang si Science Research Assistant Edgar Melendez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Dagupan
.
Nagpahayag naman ng mensahe si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na hangad niyang higit pang mapaunlad ang mga programang pang-agrikultura para sa mga Tayabasin.
 
Ang mga kawani ng Office of the City Agriculture sa pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan ang namahala sa pamamahagi ng semilya ng ulang.
SHARE ON
Scroll to Top