ELDERLY FILIPINO WEEK

ELDERLY FILIPINO WEEK
13 Oct 2023

Events

News

ELDERLY FILIPINO WEEK

TINGNAN || KALUSUGAN NINA AMAMA AT INANA ANG TINUTUKAN NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO SA PAMAMAGITAN NG TAYABAS CITY HEALTH OFFICE’S ELDERLY WEEK CELEBRATION ACTIVITY NA MAY TEMANG OLDER PERSONS: RESILIENCE IN NATION BUILDING.
 
Iba’t-ibang selebrasyon ng Elderly Filipino Week ang idinaraos sa iba’t-ibang panig ng bansa ngayong buwan ng Oktubre.
 
Matatandaang kamakailan lamang ay nagtipon ang mga Tayabasing kasapi ng pederasyon ng mga senior citizens para sa Lingo ng Nakatatandang Filipino na may temang “Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens.”
 
At ngayong Miyerkules, October 11, 2023 ay pinangunahan naman ng Tayabas City Health Office ang isa na namang pagtitipon ng mga amama at inana na may layuning pangalagaan ang kalusugan ng mga nakatatandang Tayabasin. Ito ang Elderly Filipino Week Celebration 2023 na may temang Older Person: Resilience in Nation Building.
 
Dumalo ang mahigit 100 mga lolo at lola na sumailalim sa Nutritional Assessment and Counseling buhat sa Nutritionists-Dietitians Association of the Philippines-Quezon Chapter.
 
Gayundin, nagsagawa ng pagtalakay sa Geriatric Nutrition si NDAP Regional Vice President for South Luzon Maribel Castro. Sinundan ito ng lecture tungkol sa “Mga Karaniwang Sakit ng mga Senior Citizens” na ginampanan nina Provincial Health Officer Dr. Lorelie G. Salonga, Non-Communicable Disease Unit Head Diane Marie M. Mejilla, RN at Mental Health Program Head Lanna Alyssa B. Basañez.
 
Umaga pa lamang ay una ng isinagawa ang libreng laboratory examination na sinundan ng “Zumba-yaw Lolo at Lola”. Matapos nito ay namigay ng libreng almusal para sa lahat ng dumalo bago tuluyang dumako sa pagbubukas ng palatuntunan na tinampukan ng pagsayaw at sabayang pag-awit ng mga piling senior citizens. Nagkaroon din ng free eye screening at pagtuturok ng flu at pneumococcal vaccine.
 
Naisakatuparan ang proyektong ito ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez sa pakikipagtulungan ng Nutritionists-Dietitians Association of the Philippines-Quezon Chapter at Rotary Club of Lucena University District.
 
Masiglang tinanggap at malugod na pinasalamatan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga panauhin buhat sa Rotary Club of Lucena University District Headed by Hope Creating President Joe Samonte, RND., Quezon Chapter Pres. Apple Bayani, Regional Vice Pres. Maribel Castro, Provincial Health Officer Dr. Lorelie G. Salonga, Non-Communicable Disease Unit Diane Marie M. Mejilla,RN., Mental Health Program Lanna Alyssa B. Basañez, at mga kinatawan buhat sa DOH-Center for Health Development IV-A Erdelyn Lorr B. Santiago at Alvin L. Librea.
 
Sa pagtatapos ng programa ay namigay ng product samples mula sa Kalbe Int., at token buhat sa Rotary Club of Lucena University District.
SHARE ON
Scroll to Top