
05
Mar 2025
DISASTER RISK MNGT
Events
News
FIRE PREVENTION MONTH 2025 KICK-OFF CEREMONY, 21st INTER-BARANGAY URBAN FIRE OLYMPICS, INILUNSAD

Inilunsad sa Lungsod ng Tayabas ang Fire Prevention Month 2025 sa pamamagitan ng motorcade na sinundan ng 21st Inter-Barangay Urban Fire Olympics ngayong Miyerkules, March 5, 2025.
Anim ( 6 ) Clustered Barangays ang nagpamalas ng husay sa pagpuksa ng sunog. Kabilang dito ang Talolong (Cluster 1), Ibabang Nangka (Cluster 2), Wakas (Cluster 3), Ilayang Ilasan (Cluster 4), Malao-a (Cluster 5), at Anos (Cluster 6).
Ang elimination round ng Fire Olympics ay isinagawa noong February 26, 2025 na nilahukan ng animnapu’t anim (66) na Barangay ng Lungsod ng Tayabas kung saan nagtagisan ng galing sa pag-apula ng apoy gamit ang iba’t-ibang paraan gaya ng fire extinguisher, bucket relay at busted hose connection.
Tinanghal na panalo sa 21st Inter-Barangay Urban Fire Olympics ang Barangay Malao-a. Sila ang kakatawan sa Lungsod ng Tayabas sa Provincial Fire Olympics.
Nagtapos sa 1st place ang Barangay Ilayang Ilasan, 2nd Place ang Barangay Ibabang Nangka, 3rd Place ang Barangay Anos, 4th Place ang Barangay Wakas, at 5th Place ang Barangay Talolong. Lahat sila ay tumanggap ng trophy, cash at Certificate.
Malugod naman na nagbigay ng suporta si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga aktibidad na nakapaloob sa Fire Prevention Month ng Bureau of Fire Protection-Tayabas Fire Station.
Ang Bureau of Fire Protection-Tayabas Fire Station ang nag-organisa ng programa sa pangunguna ni BFP-Tayabas Fire Station Chief FSINSP Morris Calejo katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni CDRRMO Che Bandelaria.

