13
Oct 2023
Events
News
KONSEPTO NG CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY, SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS, ACTION PLAN AT COVENANT SIGNING, TINALAKAY AT ISINAGAWA SA KATATAPOS NA 5th RIVER SUMMIT STAKEHOLDER’S FORUM.
TINGNAN | KONSEPTO NG CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY, SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS, ACTION PLAN AT COVENANT SIGNING, TINALAKAY AT ISINAGAWA SA KATATAPOS NA 5th RIVER SUMMIT STAKEHOLDER’S FORUM.
Tatlumpu’t siyam (39) na business owners ang dumalo sa katatapos na 5th River Summit Stakeholder’s Forum na pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office kahapon, October 11, 2023 sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
Layunin ng forum na maipabatid sa mga negosyante ang mga responsibilidad na kaakibat ng kanilang pagnenegosyo sa pangangalaga ng kalikasan.
Naging resource speaker si Atty. Rolando Recto na tumalakay ng concept of corporate social responsibility, memorandum of agreement and understanding, sustainable development goals at payment for environmental services. Binigyang-linaw din niya ang mga responsibilidad ng mga may-ari ng negosyso sa pagtulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa forum din isinagawa ang action plan workshop na pinamunuan ng mga volunteers mula sa Tanggol Kalikasan na sina Efrelyn Escultura-Calabano, Raymund R. Villalon at Estacio S. Lim Jr.
Bago magtapos ay idinaos ang Covenant Signing ng mga business owners na patunay ng kanilang suporta sa programang pangkalikasan.
Ipinahatid ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang kanyang pagbati at mensahe ng suporta sa pamamagitan ng isang kinatawan.
Samantalang personal na nakiisa si SP Committee on Environmental Protection and Management Chair Carmelo Cabarrubias, na pangunahing nagsusulong ng adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan.