
04
May 2025
Events
News
Tourism
MGA IMAHEN NI SAN ISIDRO LABRADOR, BINASBASAN, IPRINUSISYUN. HUDYAT NG PAGBUBUKAS NG MAYOHAN SA TAYABAS FESTIVAL

Matapos ang Misa Pasasalamat ay sumunod naman ang sabayang pagbabasbas ng mga imahen ni San Isidro Labrador ngayong Lingo, May 4, 2025, sa Basilika Menor ni San Miguel Arkanghel, sa pamumuno ni Rev. Msgr. Dennis Imperial, lingkod-pari ng Parokya.
Si San Isidro Labrador ang Pintakasi ng mga magsasaka. Siya ay nagmula sa isang mahirap na pamilya na naging banal dahil sa pagsasaka.
Sama-sama ding prumusisyon ang mga mananampalataya buhat sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Tayabas karga ang mga sariling imahen ni San Isidro Labrador.
Ang Misa at Prusisyon ng mga imahen ni San Isidro ay kabilang sa mga itinakdang aktibidad sa unang araw ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025.
Nagpahayon ng pagbati si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa lahat ng mga magsasaka at manggagawang Tayabasin na patuloy na nananalig kay Santo-Patron San Isidro Labrador.

