MGA KINATAWAN NG ANIM NA PROBINSIYA BUHAT SA IBA’T-IBANG PANIG NG PILIPINAS, NAGSAGAWA NG LAKBAY ARAL SA LUNGSOD NG TAYABAS KAUGNAY NG MATAGUMPAY NA PRIMARY EYE CARE PROGRAM NG PAMAHALAANG LOKAL.

MGA KINATAWAN NG ANIM NA PROBINSIYA BUHAT SA IBA’T-IBANG PANIG NG PILIPINAS, NAGSAGAWA NG LAKBAY ARAL SA LUNGSOD NG TAYABAS KAUGNAY NG MATAGUMPAY NA PRIMARY EYE CARE PROGRAM NG PAMAHALAANG LOKAL.
27 Oct 2023

Events

Health

News

MGA KINATAWAN NG ANIM NA PROBINSIYA BUHAT SA IBA’T-IBANG PANIG NG PILIPINAS, NAGSAGAWA NG LAKBAY ARAL SA LUNGSOD NG TAYABAS KAUGNAY NG MATAGUMPAY NA PRIMARY EYE CARE PROGRAM NG PAMAHALAANG LOKAL.

TINGNAN || MGA KINATAWAN NG ANIM NA PROBINSIYA BUHAT SA IBA’T-IBANG PANIG NG PILIPINAS, NAGSAGAWA NG LAKBAY ARAL SA LUNGSOD NG TAYABAS KAUGNAY NG MATAGUMPAY NA PRIMARY EYE CARE PROGRAM NG PAMAHALAANG LOKAL.
 
“Save your eyes. Tayabas is lovely.” Ito ang mga katagang pamukaw-sigla ng mga nagtataguyod ng Primary Eye Care Program sa Lungsod ng Tayabas, na nagbunsod sa matagumpay na pagpapatupad nito. At siyang dahilan para dito isagawa ang benchmarking activity ng mga kinatawan ng iba’t-ibang probinsiya sa buong Pilipinas.
 
Layunin ng Lakbay Aral ng mga kinatawan buhat sa Probinsiya ng Albay, Apayao, Camarines Norte, Samar, Aklan at Bukidnon na ma-experience ang first-hand opportunities and exposure sa Community and School Vision Screening activity at makadaupang-palad ang mga nagpapatupad ng programa.
 
Napili ang Lungsod ng Tayabas para pagsagawaan ng benchmarking activity dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng Eye Health Program, na tanging Tayabas pa lamang sa Lalawigan ng Quezon ang epektibong nagsasagawa nito.
 
Ang tagumpay ng Primary Eye Care Program ng Lungsod ng Tayabas ay bunga ng pagtutulungan ng City Health Office, na siyang implementor ng programa, at Office of the City Mayor, OCM-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Library at City Information and Community Relations Office (CICRO) na direktang sumusuporta sa pagpapatupad nito.
 
Personal na nasaksihan at inobserbahan ng mga panauhin ang proseso ng Primary Eye Care Program katulad ng pagsasagawa ng pagsusuri/screening sa siyamnapung (90) Day Care Children ng San Isidro DCC at 30 senior citizens, at lecture na dinaluhan ng mga magulang ng mga batang day care sa San Isidro Covered Court kahapon, October 24, 2023.
 
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Fred Hollows Foundation na pangunahing tagapagtaguyod ng Primary Eye Care Program, at katulong sa pagsusulong ng priority agenda ng administrasyon sa kalusugan ng mamamayang Tayabasin, kabilang na ang malusog na mata at malinaw na paningin.
SHARE ON
Scroll to Top