24
Nov 2023
Events
News
PAG-SALUDO AT BUONG PUSONG SUPORTA SA INYONG KAKAYAHAN MULA SA ATING PUNONG LUNGSOD LOVELY REYNOSO PONTIOSO – GOOD LUCK LPIHS ROBOTICS TEAM SA INYONG LABAN SA MAKEX ROBOTICS COMPETITION-WORLD CHAMPIONSHIP SA CHINA.
Nov. 23, 2023
PAG-SALUDO AT BUONG PUSONG SUPORTA SA INYONG KAKAYAHAN MULA SA ATING PUNONG LUNGSOD LOVELY REYNOSO PONTIOSO – GOOD LUCK LPIHS ROBOTICS TEAM SA INYONG LABAN SA MAKEX ROBOTICS COMPETITION-WORLD CHAMPIONSHIP SA CHINA.
Kahapon ay personal na pinuntahan ng ating Punong Lungsod Lovely Reynoso Pontioso ang mga kabataan na nanalo sa ginanap na National Creotec Make Robotics Competition nitong Sabado, November 11, 2023, upang mag paabot ng tulong at suporta sa mga kabataang nag wagi.
Kung saan nakuha nila ang Champion, 1st at 2nd runners up sa Starter Category, Best in Engineering Notebook, Best in Robot Design, Finalist, at Best Mentor, Humakot ng parangal ang mga delegado ng Luis Palad Integrated HS, kung kaya ang miyembro ng Champion Team ng Starter Category ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping International Robotics Competition sa China.
Ang Luis Palad Integrated High School Robotics Team ay kinabibilangan nina Chlomen Kysh T. Oabel, Mark Lynard S. Napagal, Fazal Akhtar P. Shike, Hasheem Aktar P. Shike, Turiano C. De Ramos, Martin Joshua T. Javal at Ariszander Christian G. Reyes. Kasama nilang makikipagtunggali ang bumubuo ng coaching team na sina Elizabeth M. Aquino, Margaret Elaine E. Calvendra at Jericka C. Quinto; at ang mga advisers na sina Department Head Marvin J. Rosales at School Principal Dr. Gener C. Delos Reyes.