PAGDIRIWANG NG IKA-SIYAM NA TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG SLSU-TAYABAS CAMPUS ISINAGAWA

PAGDIRIWANG NG IKA-SIYAM NA TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG SLSU-TAYABAS CAMPUS ISINAGAWA
11 Apr 2025

Education

Events

News

PAGDIRIWANG NG IKA-SIYAM NA TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG SLSU-TAYABAS CAMPUS ISINAGAWA

Tinaguriang SLSU of the 21st Century. Ang SLSU-Tayabas Campus ang pinakamalawak sa lahat ng campuses nito sa Lalawigan ng Quezon na may sukat na 50 ektarya.
 
Hindi malilimutan ang naging mensahe ng noo’y naninilbihang alkalde, ang namayapang Mayor Ernida Agpi-Reynoso, noong isagawa ang Blessing and Inauguration ng Academic Building ng SLSU-Tayabas noong November 15, 2018, kung saan sinabi niya, “Ito ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng Reynoso Administration na kung saan isa sa aking mga Pangarap noong 2016 election na ngayon ay abot kamay na. Hindi pa man ganap na buo mula sa orihinal na plano nito, isang magandang simulain na utay – utay na tumatayo sa Barangay Ibabang Palale ang pangarap ng mga mamamayan sa Lungsod ng Tayabas…Sa loob ng aking isang termino, ang mga proyektong ito ay tila isang pananim na unti – unting sumisibol at sa darating na panahon ito ay bubunga ng Dunong at Dagdag Talino sa mga mag-aaral at aani ng Karunungan sa pagkamit ng mga munting pangarap ng mga mamamayan ng Lungsod ng Tayabas. Ang kabataan ang PAG – ASA ng Bayan.”
 
Matatandaang nagsimula ang makasaysayang aklat ng pagtatayo ng Southern Luzon State University-Tayabas Campus noong September 2015 kung kailan naganap ang unang pag-uusap tungkol dito. Nasundan ng pagpapasa ng SP Resolution No. 15-72 noong October 2015, at consultation meeting with CHED noong Disyembre ng parehong taon.
 
Nang mga sumunod na taon, nagtuloy-tuloy ang mga hakbang hanggang sa tuluyan nang maisakatuparan ang pagtatayo ng SLSU of the 21st Century sa 50 ektaryang lupang donasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas.
 
Ngayong April 11, 2025, ipinagdiriwang ng SLSU-Tayabas Campus ang 9th Founding Anniversary nito. Kung saan kabilang si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga panauhing dumalo.
 
At kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-9 na taon ng pagkakatatag, buong pagmamalaking iniharap at binigyang-pagkilala ang mga nagtapos ng kurso sa agrikultura sa SLSU-Tayabas Campus na mapalad na nakapasa sa Licensure Examination for Agriculturists ngayong taon na sina Joseph Ronil A. Aguilar, AllysaMae M. Matira, Dorotea P. Riza, Hannah Mae N. Oblea, Marco Miguel P. Francia, Anthony C. Endencia, Mark Vencent C. Zarsuelo, John Mikko T. Caballes, Ferdinand C. Mercene, Princess Marie Y. Bandojo at Marie Amor Y. Bandojo.
 
Sa mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa bumubuo ng SLSU-Tayabas Campus, mga officials, faculty and staff sa pamumuno ni Campus Director Reymar Ortega, at sa mga dumalong panauhin, muli niyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaang lokal sa mga proyekto ng unibersidad.
SHARE ON
Scroll to Top