30
Nov 2023
Events
News
PAYAK SUBALIT DALISAY AT DAKILANG PAGGUNITA SA IKA-160 TAONG ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI GAT ANDRES BONIFACIO.
TINGNAN || PAYAK SUBALIT DALISAY AT DAKILANG PAGGUNITA SA IKA-160 TAONG ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI GAT ANDRES BONIFACIO.
“Aling pag-ibig ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala?” Ito ang mga katagang binitiwan ni Gat Andres Bonifacio na higit na nagpaalab sa damdamin ng mga ninunong nagsulong ng kalayaan ng bawat isang Filipino.
Ngayong Huwebes, ika-30 ng Nobyembre, 2023 ay pinangunahan ng Cultural Heritage Preservation Office ang isang payak na palatuntunan ng paggunita sa ika-160 taong anibersaryo ng kapanganakan ng dakilang bayani ng himagsikan.
Dinaluhan ang okasyon na ginanap sa Tayabas East Central School ngayong umaga ng mga piling panauhin sa pangunguna ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, School Principal Ronan Ranillo, Retired District Supervisor and PGK PFN District Deputy L56 Fernando Labita at District Deputy Grand Master for Masonic District R4C Atty. Walfredo J. Sumilang kasama ang mga pinuno ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas, mga ahensya ng pamahalaang nasyunal, KALK, akademya at mga pribadong samahan.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Andres Bonifacio at sinundan ng palatuntunan na kinapapalooban ng pagbabahagi ng mga mensahe nina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at mga piling personalidad.