TINGNAN || KASUNDUAN PARA MAISAAYOS ANG OPERASYON NG POULTRY FARM, NILAGDAAN

TINGNAN || KASUNDUAN PARA MAISAAYOS ANG OPERASYON NG POULTRY FARM, NILAGDAAN
26 Apr 2024

Agriculture

News

TINGNAN || KASUNDUAN PARA MAISAAYOS ANG OPERASYON NG POULTRY FARM, NILAGDAAN

TINGNAN || KASUNDUAN PARA MAISAAYOS ANG OPERASYON NG POULTRY FARM, NILAGDAAN
 
Matapos ang mahabang pagpapalitan ng opinyon, panukala at suhestiyon sa pagitan ng LGU Joint Inspection Team, Sangguniang Barangay ng Lawigue at pamunuan ng Lord of Mercy Poultry Farm, sa pulong na ipinatawag ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas noong Miyerkules, April 24, 2024, ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Ginoong Edmundo Pardilla.
 
Nilalaman ng MOU ang mga panuntunang susundin ng poultry farm kaugnay ng kanilang operasyon na tututok sa loading of chicks; kalinisan ng buong farm; pest control; harvest time; after harvest; wastewater discharge; disposal of chicken manures; and joint inspection team monitoring and inspection with proper documentation from loading throughout the whole growth.
 
Mahigpit na nakasaad sa kasunduan na anumang violation o hindi pagtupad ng pamunuan sa mga probisyon ay may katapat na penalty katumbas ng dalawang (2) buwang suspension sa operasyon ng farm sa unang paglabag; 6 months suspension sa second violation; at ang pangatlong paglabag ay magreresulta sa revocation of Business Permit, Sanitary permit, at iba pang mga permits.
 
Kabilang sa mga lumagda bilang witness sina Lawigue Barangay Chairperson Juanito Sumilang at Vetripharm Inc. Operations Manager Jake Cabarrubias.
Umaasa ang pamahalaang lokal na susunod ang pamunuan ng nasabing poultry farm sa nilagdaang kasunduan at magreresulta ito sa pagsugpo sa pagdami ng langaw na matagal ng nakakaperwisyo sa mga residente ng nasabing lugar.
SHARE ON
Scroll to Top