TINGNAN || LAST BATCH NG MGA GURO NA SASAILALIM SA EMERGENCY RESPONSE AND PREPAREDNESS SEMINAR.

TINGNAN || LAST BATCH NG MGA GURO NA SASAILALIM SA EMERGENCY RESPONSE AND PREPAREDNESS SEMINAR.
25 Apr 2024

Events

News

TINGNAN || LAST BATCH NG MGA GURO NA SASAILALIM SA EMERGENCY RESPONSE AND PREPAREDNESS SEMINAR.

TINGNAN || LAST BATCH NG MGA GURO NA SASAILALIM SA EMERGENCY RESPONSE AND PREPAREDNESS SEMINAR.
 
Sa pangatlo at huling araw ng Emergency Response and Preparedness Seminar ng City Gender and Development Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office ay sumalang ang limampu’t limang (55) mga guro buhat sa labinwalong (18) paaralan sa ilalim ng City Schools Division of Tayabas City na kinabibilangan ng Lalo Elementary School, Tayabas West Central School I, II, III and IV, Malaoa-Calantas Elementary School, Tayabas East Central School, Ipilan-Alitao Elementary School, East Palale Elementary School, South Palale Elementaty School, West Palale Elementary School, Gibanga Elementary School, Domoit Elementary School, Dapdap Integrated School, Lawigue Elementary School, Valencia Elementary School, Froilan E. Lopez Elementary School at Eugenio Francia Integrated School.
 
Pinadaloy ng mga resource speakers na sina CDRRMO Rosario P. Bandelaria, Jessy James R. Valderamos at Sheryl S. Pabularcon ang pagtuturo sa mga guro ng mga tamang gagawin sa pagresponde sa oras ng sakuna o emergencies ngayong Huwebes, April 25, 2024 sa Balilo Event Hall.
 
Bagama’t hindi nakapunta sa seminar si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso dahil sa mga kasabay na commitment ay nagpaabot siya ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.
SHARE ON
Scroll to Top