TINGNAN || PAG-IISANG DIBDIB NG LIMAMPU’T ANIM (56) NA MAGSING-IROG, NAISAKATUPARAN SA KASALANG BAYAN.

TINGNAN || PAG-IISANG DIBDIB NG LIMAMPU’T ANIM (56) NA MAGSING-IROG, NAISAKATUPARAN SA KASALANG BAYAN.
15 Feb 2024

Events

News

TINGNAN || PAG-IISANG DIBDIB NG LIMAMPU’T ANIM (56) NA MAGSING-IROG, NAISAKATUPARAN SA KASALANG BAYAN.

TINGNAN || PAG-IISANG DIBDIB NG LIMAMPU’T ANIM (56) NA MAGSING-IROG, NAISAKATUPARAN SA KASALANG BAYAN.
 
Ganap nang mag-asawa ang limampu’t anim (56) na magkapareha na pinag-isang-dibdib sa bisa ng kasal na pinamunuan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ngayong Miyerkules, February 14, 2024 sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
At hindi lang basta libreng kasal ang ibinigay ng pamahalaang lokal dahil kasama sa mga natanggap ng mga ikinasal ang libreng Cenomar, libreng legitimation ng mga anak kung sakaling may mga anak na bago pa ikasal, libreng tela na gagawing trahe ng pangkasal, wedding ring, aras, wedding bouquet, wedding cake at sampung (10) kilong bigas.
 
Naisakatuparan ang inaaasam na kasal sa pamamagitan ng programang “Kasalang Bayan” na ilang taon nang ginagawa ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para matulungan ang mga nagsasama bilang mag-asawa o maging ang mga magkasintahan, na maging legal ang pagsasama.
 
Ngayong taon, sa araw kung kailan sabay na ipinagdiriwang ang Valentine’s Day at Ash Wednesday ay sabay-sabay na nagpahayag ng pangako sa isa’t-isa na sila ay magsasama sa “hirap at ginhawa, in sickness and in health, ‘til death do us part.”
 
Tumayong “ninang” at solemnizing officer si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga ikinasal. Samantalang ang City Civil Registry Office na pinamumunuan ni Maide Jader ang nangasiwa sa proseso ng Kasalang Bayan at sa kabuuan ng programa.
Mabuhay ang mga Bagong Kasal!
SHARE ON
Scroll to Top