18
Jan 2024
Events
News
TINGNAN || PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, KABILANG SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO SA REGION-IV NA GINAWARAN NG CERTIFICATE OF RECOGNITION SA CSC RO IV PRIME-HRM AWARDING AND RECOGNITION RITES NG CIVIL SERVICE COMMISSION.
TINGNAN || PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, KABILANG SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO SA REGION-IV NA GINAWARAN NG CERTIFICATE OF RECOGNITION SA CSC RO IV PRIME-HRM AWARDING AND RECOGNITION RITES NG CIVIL SERVICE COMMISSION.
Tatlong (3) Human Resource Systems na matagumpay na ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang kinilala at binigyan ng Certificate of Recognition sa katatapos na PRIME-HRM Awarding and Recognition Rites noong Miyerkules, January 17, 2024 sa CSC Resource Center Auditorium, CSC Central Office, Quezon City.
Nanguna sa delegasyon ng Lungsod ng Tayabas si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro Dalida kasama si HRMO Mary Jane Calupig, Praise Committee and Performance Management Team Co-Chairperson Necias Pataunia at Praise Committee and Performance Management Team Member Wilfredo Tomines, para tanggapin ang mga sertipiko ng pagkilala bilang Maturity Level 2 in the system Recruitment, Selection, and Placement; Maturity Level 2 in the system Performance Management; at Maturity Level 2 in the system Rewards and Recognition.
Nakadaupang-palad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, Vice Mayor Oro Dalida at mga kasama sa okasyon sina CSC Commissioner Aileen Lourdes A. Lizada, Commissioner Ryan Alvin R. Acosta at mga opisyal ng CSC Region IV sa pamumuno ni Regional Director Maria Leticia G. Reyna.